“Lugaw sa Hapag ng Pagkabuhay na Mag-uli”

 




“Lugaw sa Hapag ng Pagkabuhay na Mag-uli”
 (“Lugaw” at the Resurrection Table) 

by Rev. Magnolia Nova V. Mendoza


Batayang Teksto:  Lk. 24.1-3; 13-16; 21c-23a; 27-33; 36-49

 

Panimula:

Resucito! Maligayang Araw ng Muling Pagkabuhay po, mga kapatid sa iba’t ibang dako! Tanggapin ninyo ang aking birtwal na pagyakap sa inyo ngayong umaga. Naku mga kapatid! isang taon na tayong nagvi-virtual worship and fellowship! Akalain ba naman nating darating ang araw na ang ating sama-samang pagsamba at iba pang mga pagtitipon ay magiging posible kahit tayo ay malayo sa isa’t isa? Kaya nga, samahan po ninyo ako ngayong umaga sa pagpupuri sa ating Diyos - makapangyarihang Maylalang dahil sa mga bagay na patuloy nating nagagawa gaano man kahirap ng sitwasyong ating kinakaharap! Samahan ninyo akong purihin ang Banal na Espiritu na patuloy na sumasangkap upang magampanan natin ang maraming bagay creatively, may sigasig at may matibay na pag-asa. Samahan ninyo akong purihin ang Kanyang Bugtong na Anak – huwaran ng pag-ibig, dakilang Manggagamot at Manunubos.  

 

Saglit tayong manalangin, mga kapatid.

O Dios, aming Dios, ginawa Mo pong presko ang aming mga pananaw sa pagdating ng umagang ito. Salamat sa sandali ng pagtitipon bagaman malayo kami sa isa’t-isa. Ang iyong Banal at mapanglikhang Espiritu ang sumama nawa sa amin sa pagsalubong namin sa bagong araw na ito – dala- dala sa aming puso ang ligaya at pag-asang dulot ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Hesus. Amen.

 

Simula ng napabalita ang pagkakaroon ng bagong virus nung isang taon hanggang sa ito’y malawakang kumalat, hanggang ngayon na ito’y muling sumisigla at patuloy na naglalagay sa ating lahat sa lambong ng maitim na ulap – narito pa rin po tayo! Lumalaban! Bagaman totoong maraming nalagas, totong maraming nagkahiwa-hiwalay, totoong ang panaghoy lalo ng mga mahihirap ay palakas ng palakas. Napakarami ang nawalan ng trabaho, nawalan ng tirahan, nawalan ng makakain, marami ang nawawalan ng pag-asa ngunit hindi ba ga totoo rin pong marami ang nag-aabot ng tulong at nagpapadama ng pagkalinga? Sa ganitong panahon ng matinding kahirapan, ano pa sa tingin ninyo ang kulang at maari pa nating magawa bilang mga mananampalataya? Ano nga ga po ang mahalaga para mas gumaan ang buhay sa gitna ng pandemya?

 

I.                    At the Resurrection Table: Meals with Jesus

Sa umagang ito, mga kapatid, nais kong ituon natin ang ating pagninilay sa ang mga kwento matapos mabalitang wala na sa libingan ang kanilang Guro at Panginoong si Hesus. We know the narratives of Jesus’ appearances after the resurrection. In those events, there were meals. Mula rito ay samahan nyo ako sa paghalaw ng kahulugan sa mga pagdulog Niya sa hapag ng mga alagad..

 

Mula sa ating teksto ay mababasang tulad ng karaniwang tao si Hesus ay nagtanong : “May pagkain ba kayo riyan?” (Lk. 24.41).  In another instance, after the walk to Emmaus, inimbitahan nina Cleopas si Hesus upang manatili at sumalo sa kanilang pagkain. Ang sabi pa ni Lukas sa kanyang salaysay: “At nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Hesus, subalit siya'y biglang nawala sa kanilang paningin” (Lk. 24.31) This was at the table after he took bread, after he blessed and broke it and shared with them. Gayundin sa mga susunod na bersikulo ay sinasabing: “Binuksan Niya ang kanilang isip upang maunawaan ang sinasabi sa Kasulatan…” (Lk. 24.45)  Maging sa sulat ni Juan kapitulo 21.12 – binanggit niya na ang ikatlong pagpapakita ni Hesus sa kanyang mga alagad matapos ang kanyang pagkabuhay na mag-uli ay sa may baybay dagat at  ipinaghanda pa niya si Simon Pedro, Tomas, at 5 pang mga alagad ng almusal. Nag-ihaw siya ng isda. Anu-ano nga ba ang mga pagkaing binanggit sa mga salaysay? May binar-bikyung isda, may tinapay, may inumin/alak. Jewish staple food - karaniwang pagkain ng mga Hudyo.

 

Having meals together is a significant part of the gospel narratives -- the feeding miracles, the meals with the sinners. Naalala nyo ang kwento ni Esau at Jacob? Esau traded a bowl of porridge for his birthright (Gen. 25.29-34)!  Eating is a necessary part of our existence.

Kung titingnan po natin ang mga simbulong ginamit to represent Jesus – nariyan ang isda – the ICHTHUS na ibig sabihin ay isda sa salitang Griyego.  Ang ICHTHUS ay acronym for Iesous Christos Theous Uios Soter o Jesus Christ of God Son Savior.  Ang imahe ng isda ay iginuguhit sa buhangin o sa mga kuta, sa mga bakod, maging sa mga pader ng mga unang mananampalataya upang matukoy nila kung ang kasama nila o ang kasalubong nila ay tagasunod rin at kumikilala kay Hesus, o hindi.  For the resurrection we have egg/itlog as an adopted ancient symbol of life and renewal of life o pagbabagon-buhay gaya ng pakahulugan ng mga sinaunang mga taga Ehipto, Griyego at mga Tsino. Why do you think they employed those Christ-symbols that are eatable?  

Sa isang Hudyo, ang pagdulog sa hapag at pagsasalu-salo ay ginagamit din upang sariwain ang kasaysayan ng paglaya ng kanilang lahi mula sa mahirap na buhay sa Ehipto. Sa panahon ng Passover o ng Paskua ang pag-upo sa hapag ay isang mahalaga at sagradong okasyon para sa kanila. Sa sinulat na aklat ni Walter Kasper pinamagatang  Jesus The Christ tinuran niya ang kahalagahan table fellowship, sabi niya:

           

Sa Silangan, kahit sa panahon ngayon, ang pakikisalo sa hapag ay garantiya ng pagkakaroon ng kapayapaan, tiwala, pakikipagkapatiran at pagbibigay-kapatawaran; ang pagkikibahagi sa isang hapag ay pakikibahagi sa buhay. (the shared table is a shared life). Sa Judaismo ang table fellowship ay may espesyal na kahulugan sa mata ng Dios. Bawat isang nasa hapag ay kakain ng piraso ng tinapay at tatanggap ng bahagi ng pagpapala o blessing ng sinambitla ng may-ari ng bahay dun sa buong tinapay. Bawat pagsasalu-salo ay hudyat ng eschatological meal o komida doon sa hinaharap sa katapusan ng panahon kasama ang Dios.

 

Mahalaga para kay Hesus ang pagsasalu-salu. Bilang isang Hudyo, dala Niya ang tradisyon at pagpapahalaga sa ritwal ng hapag. Nakita niya ang wisdom o ang karunungan ng paggamit ng simbulo. Kaya nga’t sinabi niyang ang tinapay ay ang kanyang katawan, ang alak ang kanyang dugo na mabubuhos para sa ikatutubos ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mga kapatid, dining with Jesus means reception of what is essential. Ang pagdulog at pakikisalo sa hapag ni Hesus ay nangangahulugan ng pagtanggap natin ng kung ano ang mahalaga.  Ika nga ni Rowan Williams, 104th Archbishop of Canterbury in his book titled Resurrection: Interpreting the Easter Gospel (1982) “to take food from the hands of Jesus after Easter is to receive from him the gift of his essential being”. (The Revd Dr Hugh Rayment-Pickard,

“How the disciples made a meal out of the resurrection” in Church Times, 2 November 2006, cited 3 April2021 from https://www.churchtimes.co.uk/articles/2004/8-april/features/how-the-disciples-made-a-meal-of-the-resurrection.)

 

II.                  At the Resurrection Table: The “Lugaw” of the Christian Faith (at this time of the Covid19 Pandemic)

Ano nga ba ang esensyal? Alin ang mahalaga? Sa panahon ng pandemya, maraming naglabasang mga bagong bagay, mga bagong gawi o anyo, mga fresh patterns of life para sa  ikapag-pagpatuloy ang buhay. Bilang halimbawa, boom na boom ngayon ang online shopping na kina-huhumalingan ng marami.  Doon po sa mga may pambili, maitanong ko po lamang -- anu-ano ba ga ang nasa listahan ng ating oorderin o ano na ang mga inorder natin? Kung bibigyang-kahulugan natin ang mga gawi natin at mga nagiging gawi sa panahon ng pandemya, ano kaya ang implikasyon nito sa ating pananampalataya sa mahirap na panahong ito ating pinagdaraanan? What do our decisions and actions say about our faith at this difficult time?

The word “essential” has become popular especially at this time when we cannot just go out due to the killer virus. We hear of essential workers, the front liners. Now we hear of essential food dahil nga nung issue ng pagharang sa isang food delivery service (Grab) na maghahatid ng lugaw sa Bulacan area. For us Filipinos, “lugaw” with its variations e.g. arroz caldo, goto, is a staple food. Katulad ng binarbikyung isda, tinapay at alak para sa mga Hudyo.

 

As believers of the Risen Jesus, what do we bring today at the Resurrection table? Anong pwede mong dalhin? For it to be truly called as the Table of the Resurrected Jesus I would like to say that we bring in our “lugaw” so that with Christ, we will share the meal and celebrate the dawn of the new age. Siguro nasa isip nyo: Anong lugaw ang sinasabi nya? Wala nga kaming bigas. Yung iba siguro ay magsasabing, may bigas kami galing sa barangay pero wala kaming pambili kahit asin lalo nang wala pambili ng ibang sahog para maging masustansya naman ang lugaw. Siguro ang iba ay magsasabing walang nga kaming hapag – sa sahig kami kumakain.

 

May isang kwento mula sa mayamang koleksyon ni Fr. Antony de Mello

tungkol sa isang babae sa isang nayon. Nagulat sya dahil may estrangherong maayos ang bihis na nakatayo sa harapan ng kanyang bahay. Ang estranghero ay nanghihingi ng pagkain. “Naku pasensya na kayo at wala rin akong extra dito; mahirap ang panahon,” sabi ng babae. “Wag kang mag-alala, ginang. May dala ho akong isang batong sopas mahiwagang (soup stone) dito. Kung papayagan mo ako, ilalagay ko ito sa isang malaking kawali at gagawa ako ng masarap na sopas.” Pinatuloy naman ng babae ang maamong estranghero at nagsimula nang magpakulo ng tubig. Naintriga ang babae at pumunta sya sa isang kapitbahay at ibinulong niya ang ginagawang sopas na may sangkap na sekretong bato. Inihulog ng estranghero ang bato sa tubig at ito’y kumulo. Sa panahong yaon, isa-isang nagdatingan ang mga kapitbahay at nakita nilang tinikman ng estranghero ang tubig at nagsabing “Masarap! Kailangan lang nito ang ilang patatas!” “Meron ako sa bahay,” sabi ng isang babaeng galing sa kapitbahay. Kumuha sya at inihulog ang patatas sa kumukulong tubig. Muling tinikman ng estranghero ang sopas at sabi “mainam! Pero mas mainam ito kung may ilang pirasong karne” Dali-daling umuwi ang isa pang kapitbahay at nagdala ng karne. Matapos ihulog ang karne tinikman muli ng estranghero at sabi “Kaunti pa! perpekto na! Mga gulay! Asin! Pampalasa!” Dumating ang dalawa pang kapitbahay at nagdala nga ng mga gulay at mga pampalasa. Muling tinikman ang sopas at sinabing “Napakainam! Handa na ang sopas! Kailangan ng mga mangkok!” At isa isang kumuha ng mangkok ang mga babae sa kanilang mga tahanan at pagbalik ay nagdala pa sila ng mga prutas at tinapay. Ang lahat at masayang nagkwentuhan at matapos ang salu-salo ay dahan-dahang umalis ang estranghero. Iniwan ang mahiwagang bato para sa sopas.

 

Ano ang maari nating dalhin sa hapag ng muling pagkabuhay? Sasang-ayon ba kayo sa akin na tayo rin ay may pag-asang makakapagluto ng masarap na lugaw kung magsasama-sama at magkakaisa bilang magka- kapitbahay o bilang miyembro ng komunidad lalo na sa panahong ito.   mayroon kang mga sangkap, mayroon ako, mayroon din sila. Ano-ano ang mga sangkap na hinihiling ni Hesus para sumarap ang lugaw at nang ang lahat ay makinabang? Mga kapatid, Ipinakita na Niya at itinuro ang mga sangkap nang sya’y nakipamuhay sa mga tao. Binigyang ehemplo na Niya ang buhay na puspos ng pag-ibig at may pagpapahalaga sa relasyon at pagpapanauli ng relasyon.

Gayun din maari nating sabihin ngayon na ang pagdulog sa hapag ng muling pagkabuhay ay ang pagtanggap sa Lugaw na nagbibigay buhay. Ang pakikisalo natin sa lugaw ay pakikisalo natin sa buhay ng bawat isa.  Ang lugaw na makapagbibigay ng kabusugang pisikal at espiritwal, ang lugaw na makapapapaibayo ng kalakasan ay ang lugaw na nakapaghihilom ng sugat at nakapagpapagaling.

 

Pagtatapos:

The resurrection is viewed as “the beginning of a new age” like what the Apostle Paul told the Corinthian Christians (I Cor. 15.22) “for as all die in Adam, so all will be made alive in Christ.”

The resurrection is the new age where we see the Light that is Christ Jesus. Sayang! wala po akong awit na alam ukol sa lugaw pero ukol sa liwanag mayroon akong alam. Ang Liwanag ni Kristo na Syang ating tinatanaw sa madilim na karanasan natin ngayon.  

 

Rodolfo Vera and Jonas Baes captured this very hope in the liturgical song they have composed about a couple of decades ago. At nais kong awitin ang maganda at mapanghamong awit na ito sa inyo.  With this beautiful song, I end this reflection. Let us hold on to the essence of the message of the resurrection. Fill our hearts with the divine love that is faithful, strive to love with action as modeled to us by Jesus, and see how that love sustains us all. Believe! that it is that kind of love will heal us as one. Jesus did that for us on the cross. He healed us, he restored our relationship to the Father and saved us. Now the challenge for you and for me is to feed ourselves with what is essential in the living of these difficult days.         Pakainin natin ang ating mga sarili ng kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay na ito. And let us hope not only for this life but even for what is to come. Darating ang Liwanag ngayon dito at sa takdang panahon sa kanyang muling pagbabalik. Amen.

 

“Darating ang Liwanag” 

by Rodolfo Vera and Jonas Baes

 

            Koro:    Darating ang liwanag sa ating bayan, sisikat ang araw ng kapayapaan

                        Sama-samang salubungin ang bagong panahon

Tanggapin ang tanglaw ng Panginoon.

           

            Ang bayan natin ngayon ay saklot sa dilim, Naghahari ang lakas ng mga mapaniil

            Ang daing ng mahihirap ay di naririnig, Pinatatahimik sa putok ng baril.

 

            Tumingala ka sa langit na puno ng ulap, Ang dilim ng paligid maglalahong lahat

Ang mga hari-hariang nagluklok sa taas, Ay mabubuwal sa pagdating ng bukas.

 

Hindi mo ba naririnig ang ugong sa gubat, Ang tambuli sa hangin ay nagsisiwalat

Ng nalalapit na araw na puno ng galak, Sa mga dusta’t mga laki sa hirap.


(Ang mensahe ito ay ibinahagi sa Easter Sunrise Service ng Batangas Associate Conference (BAC) ni Reb. Magnolia Nova V. Mendoza noong 4 Abril 2021, ika-5 ng umaga via Zoom/FB Live Streaming)
 
Batangas Associate Conference Theme: 
“Ang Pagkabuhay na Mag-uli: Pag-asa sa Panahon ng Pandemya”
(The Resurrection: Hope in the Time of the Pandemic”)

 


Comments

  1. Mga saluting bumubukal sa sang buggy na barbât ng sakit at pighati dahil sa sakit na psoriasis, at di malaman kung bakit walang ginawa ang Panginoon sa kanyang kalalagayan. Ano kayang kasalanan ang kanyang nagawa. Waring ang kanyang tinatanggap na parusa, ay walang katumbas sa anumang nagawa niya. Tulad ng mag Isaraelitas sa Babylon, they could not find any sin they have done commensurate with the punishment they are getting. It is not because you are sinners; rather God is calling you to a greater mission,"to be a light to the nations." I think this is what your preacher is trying to do. By her stripes you might be healed. Listen to her cry---there is healing in her pain and stripes.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am not unknown, the Rev Leah Nova Mendoza is a dear friend. I learn a lot from
      her pain and agony through which she communicates God's love for you and me, in much the same way that our salvation was communicated by God by the crucifixion of his only Son, Jesus.

      Delete
  2. Remember, those who want to bring light to people in darkness, must endure being burned. Our heroes like Rizal and Ninoy had to suffer pain, agony and death, to se us free!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

A Mainline Protestant Church’s Engagement in Socio-Political Issues in Mindanao

Go and Serve God’s People in and out of Season

Describing the Invisible Picture of Hope